Nakiisa ang ilang simbahan sa iba’t ibang bayan sa La Union sa local leg ng “Trillion Peso Prayer Rally” kahapon, Nobyembre 30.
Bahagi ito ng pambansang panawagan laban sa korapsyon na nagtitipon sa mga komunidad ng pananampalataya, civic groups, at mga mamamayan upang magkaisa sa panawagan para sa katapatan at integridad sa pampublikong serbisyo.
Sa paligid ng St. William the Hermit Cathedral, kita ang mga puting laso, na ayon sa organizers ay simbolo ng pagkakaisa ng komunidad sa panawagan para sa integridad at mabuting pamamahala.
Kasabay ng Trillion Peso Prayer Rally sa iba pang bahagi ng bansa, layunin ng gawain na himukin ang sama-samang pananalig, pagkilos, at pag-asa para sa mas maunlad at makatarungang pamahalaan.
Facebook Comments







