Mga sinalanta ng Bagyong Egay hindi pinabayaan, higit P300-M tulong natanggap

Umabot na sa ₱287 million halaga ng tulong mula sa Department of Social Welfare and Development at sa kamara ang natanggap ng mga residente sa Northern at Central Luzon na binayo ng Bagyong Egay.

Ayon kay House Speaker Martin Romualdez, kabilang dito ang cash assistance, relief goods, generators at ang Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) program.

Samantala, nag-donate ang European Union (EU) ng mahigit ₱30 million para pondohan ang pangangailangan ng mga komundad na sinalanta ng bagyo lalo na sa Cagayan Valley, Ilocos Region at Cordillera Administrative Region.


Namahagi naman ang Philippine Red Cross ng hot meals, pagkain, tubig, hygine kits, tulugan at mga gamot sa mga residente kabilang na sa Abra, Ilocos Sur, La Union, Zambales, Rizal, at Metro Manila

Facebook Comments