
Muling nagpaabot si Vice President Sara Duterte ng pakikisimpatiya sa mga Pilipinong naging biktima ng sunud-sunod na kalamidad.
Sa kanyang talumpati sa ika-90 anibersaryo ng Office of the Vice President, sinabi ni VP Sara na sa mga ganitong pagkakataon, kailangang mas maging matibay ang pamahalaan.
Kinilala rin ni VP Sara ang naging kontribusyon sa relief operations ng frontliners ng OVP.
Samantala, dumalo rin sa okasyon na ginanap sa Shangri-La Hotel sa Makati City sina dating pangulo at dating pangalawang pangulo na sina Congresswoman Gloria Macapagal-Arroyo at Joseph Estrada.
Present din sa anibersaryo ang mga kaanak ng mga dating pangalawang pangulo ng Pilipinas.
Sa kanyang talumpati, inihayag naman ni Cong. Arroyo na ang pangalawang pangulo ng Pilipinas ay mas makapangyarihan kaysa sa vice president ng Amerika.
Ito ay dahil sa hiwalay aniyang hinahalal ang bise presidente ng Pilipinas.
Binati naman ni Ginang Arroyo si VP Sara dahil sa lahat aniyang naging Vice President ng Pilipinas, si VP Sara ang nakakuha ng pinakamalaking boto.









