Mga sinalantang magsasaka sa Region 2 at Cordillera Administrative Region, pinagkalooban ng binhing palay ng DA

Mahigit na sa 100,000 magsasaka sa Region 2 at Cordillera Administrative Region na sinalanta ng Bagyong Ulysses sa ilalim ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF)-Seed Program.

Abot sa 120,000 bags na ng high-quality inbred seeds ang naipamahagi sa RCEF areas sa dalawang rehiyon.

Binibigyan ng prayoridad na maabutan ng tulong ang rice farmers sa Cagayan at Isabela.


Nakatutok ngayon ang DA-Philippine Rice Research Institute sa pamamahagi ng binhi ng palay sa anim na munisipalidad sa Cagayan; 21 sa Isabela at pito sa Ifugao.

Sa ngayon ay umabot na sa P4.18 billion ang halaga ng pinsala sa pananim sa mga lugar na dinaanan ni Bagyong Ulysses kabilang ang Cagayan Valley at Cordillera Region.

Facebook Comments