Manila, Philippines – Tiniyak ng Palasyo ng Malacañang na mapapanagot at gagawan ng paraan ng Pamahalaan na mapahinto ang mga taong umaabuso sa umiiral na Martial Law sa Mindanao.
Ito ang sinabi ng Malacañang bilang reaksyon sa pahayag ng Integrated Bar of the Philippines Lanao del Sur Chapter na kumokondena sa illegal searches at iba pang pangaabuso ng mga opisyal ng pamahalaan sa Mindanao.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, matagal nang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na mabilis na pipigilan at pananagutin ang sinomang umaabuso sa kanilang kapangyarihan sa umiiral na Batas Militar.
Mayroon din aniyang mekanismo na pinaiiral ang AFP at ang Department of Justice para solusyunan ang nasabing issue.
Hindi naman masabi ni Abella kung kailan iimbestigayan ang mga umanoy pangabuso sa Mindanao at hayaan nalang aniya ang Department of Justice sa paghawak dito.
DZXL558, Deo de Guzman