Mga sindikato at mga taga-gobyerno na sangkot sa sugar hoarding, pinatitiyak ng isang senador na mananagot sa batas

Pinapapanagot ni Senator Grace Poe sa batas ang lahat ng sugar hoarders na lumilikha ng “artificial shortage” at nagpapataas ng presyo ng asukal sa bansa.

Giit ni Poe, Chairman ng Senate Committee on Economic Affairs, ang lahat ng mga opisyal ng gobyerno at mga empleyado na nasa likod ng hindi makatwirang importasyon ng asukal ay dapat na maparusahan sa ilalim ng batas.

Ang asukal aniya na binili sa ilalim ng import permit ay hino-hoard o iniipon lang sa warehouses ng mga grupo at ilalabas lamang ito sa merkado kapag mataas na ang presyo ng nasabing produkto.


Iginiit ni Poe na sa gagawing pagdinig sa senado kaugnay sa kwestyonableng impormasyon ng asukal ay dapat na matukoy ang mga indibidwal o grupo na nasa likod ng ilegal na gawain at dapat na maparusahan.

Hinala ng senador na may sindikato sa likod ng paulit-ulit na pag-ipit sa suplay ng asukal para may dahilan sa pagaangkat at pagtaas sa presyo.

Facebook Comments