Mga sinehan, balik-operasyon na simula ngayong araw

Good news para sa mga mahilig manood ng sine!

Balik-operasyon na simula ngayong araw ang ilang sinehan sa Metro Manila.

Ito ay matapos isailalim sa Alert Level 2 ang buong rehiyon kung saan papayagang magbukas ang mga sinehan sa 50% capacity habang karagdagang 10% kung mayroong safety seal.


Pero hindi tulad noon, one-seat apart o magkakahiwalay ang mga manonood kahit magkamag-anak at bawal rin ang mga bata at hindi fully vaccinated.

Karamihan sa mga sinehang magbubukas ay may limitadong schedule dahil maglalaan ng oras para sa disinfection pagkatapos ng kada screening.

Bilang pag-iingat naman sa COVID-19, maaaring magbook online at cashless ang magiging bayad pero papayagan pa rin ang walk-in at pagbabayad ng cash.

Matatandaang kamakailan lamang nang payagan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang hindi na pagsusuot ng face shield ng mga moviegoer.

Facebook Comments