Monday, April 13, 2026

Mga Singson sa Ilocos Sur, kinasuhan sa Ombudsman

Inireklamo sa Office of the Ombudsman si dating Ilocos Sur Governor Luis “ Chavit” Singson.

Kasama rin sa kinasuhan sina Ryan Luis Singson dating Governor ng Ilocos Sur at Jeremias Singson kasalukuyang Governor ng Ilocos Sur.

Ang complainant ay ang grupong Warriors Ti Ilocos Sur, Inc., na kinatawan ni Atty. Estelita D. Cordero.

Kabilang sa mga isinampang kaso ay ang paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act at paglabag sa RA 8240 o maling paggamit ng mga kita sa excise tax ng tabako.

Isinama rin sa kinasuhan ang mga dating miyembro ng Sangguniang Panlalawigan na sina Pablito F. Sanidad Jr., Joselle F. Gironella, Gina Cordero, Mildred Elaydo, Benjamin Maggay, Leopoldo Gironella Jr., Mikaela Karita Singson-Bautista, Constante Oandasan, Ronnie Rapanut, Efren Rafanturo, S. Constantine, Arfanturo Francisco at S. Constantine.

Nag-ugat ang kaso sa maling paggamit ng humigit-kumulang na P585 milyong mula sa Tobacco Excise Tax na ginastos sa pagtatayo ng “Tobacco Farmers Convention Center” na nagsimula noong 2008.

Pero, makalipas ang sampung taon, ang proyekto ay wala pang 10% na kumpleto at pagkatapos ay inabandona, na isa umanong malinaw na pag-aaksaya ng pondo ng bayan.

Hinahangad ng petitioner na masingil ang lahat ng mga respondent para sa mga nasayang na pondo at isailalim sa preventive suspension ang lahat ng inaakusahan.

Hinihiling din ng grupo ang pagpapalabas ng subpoena duces tecum sa lahat ng opisyal na resibo, disbursement voucher, at mga resolusyon ng Sangguniang Panlalawigan na may kaugnayan sa proyekto.

At ang pagsasagawa ng lifestyle check sa lahat ng pinangalanang respondent.

Facebook Comments