Mga sinibak na empleyado ng BOC, pinulong ni PRRD

Pinulong ni Pangulong Rodrigo Duterte kagabi sa Malacañan ang mga empleyado ng Bureau of Customs (BOC) na inalis sa kanilang mga pwesto.

Ang meeting ay dinaluhan ng ilang government officials, kabilang si Executive Secretary Salvador Medialdea, Finance Secretary Carlos Dominguez III, Presidential Spokesperson Salvador Panelo at mga opisyal ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC).

Ayon kay PACC Commissioner Greco Belgica – higit 50 customs employees ang ipinatawag sa Palasyo na nahaharap sa kasong kriminal at administratibo dahil sa pagkakadawit sa korapsyon.


Aniya, naging “cool” at “sincere” lamang ang Pangulo sa ginanap na pulong.

Ang mga empleyado ay idinala sa Presidential Palace sa pamamagitan ng dalawang sasakyan ng Philippine Coast Guard (PCG) galing BOC Head Office sa Manila.

Facebook Comments