Mga sinibak na empleyado ng GMA Network, pinababalik sa serbisyo ng Court of Appeals

Ipinag-utos ng Court of Appeals (CA) ang reinstatement o pagpapabalik sa trababo ng limampu’t isang empleyado ng GMA Network.

Sa kautusan ng CA 15th division na ibinaba noong Pebrero 15, 2020, “partly granted” ang Petition for Certiorari ng mga petitioner na mga dating empleyado ng GMA Network.

Ang desisyon naman na may petsang May 31, 2017 at resolusyon na may petsang August 31, 2017 na inisyu ng National Labor Relations Commission o NLRC pabor sa GMA Network ay binaligtad at isinantabi na ng CA.


Nag-ugat ang kaso sa isinagawang protesta ng mga empleyado ng GMA Network na tinatawag na “tag” sa harapan ng opisina ng TV network noong 2015.

Ang ibang mga empleyado ay terminated o sinibak sa trabaho habang ang iba ay hindi na na-renew ang kontrata bilang talents.

 

An 51 empleyado ay pinadedeklara nang regular employees na entitled o dapat makatanggap ng full backwages kasama ang allowance at iba pang mga benepisyo.

Facebook Comments