Mga sinibak na pulis ng Bacolod City, protektor ng iligal na droga – ayon kay Pangulong Duterte

Manila, Philippines – Naniniwala si Pangulong Rodrigo Duterte na protector ng iligal na droga ang Chief of Police ng Bacolod City ka kanyang sinibak kasama ang kanyang ilang tauhan.

Sa ambush interview kay Pangulong Duterte ay sinabi nito na duda siyang walang alam sa operasyon a iligal na droga ang sinibak niyang opisyal ng PNP at hinala niya ay protector ito ng Drug lords ng lungsod.

Sinabi pa ni Pangulong Duterte na mayroong tatlong insidente ng pananambang sa isang pinaniniwalaang drug lord sa lungsod at nagtataka siya kung bakit 2 pang matataas na opisyal ng PNP ang kailangang pumunta sa ospital nang itakbo doon ang tinambangang drug lord.


Binigyang diin ni Pangulong Duterte na maiintindihan niya kung ang top investigator ng PNP ang nagtungo sa ospital para sa gagawing imbestigasyon pero kaduda duda aniya ang galaw na ito sa parte ng mga opisyal ng pulis doon.

Matatandaang sinibak ni Pangulong Duterte sa Posisyon sina Police Senior Superintendent Francisco Ebreo, Chief of Police ng Bacolod City, Police Superintendent Richie Yatar, Police Superintendent Nasruddin Tayuan at Police Senior Inspector Victor Paulino at Police Senior Superintendent Allan Macapagal.

Facebook Comments