Mga sirang kalsada sa Metro Manila dahil sa sunod-sunod na pag-ulan, umabot na sa 156 – DPWH

Umabot na sa 156 ang bilang ng mga sirang kalsada sa Metro Manila dahil sa sunod-sunod na pag-ulan.

Batay sa datos ng Department of Public Works and Highways (DPWH), aabot sa 12,000 square meters ang mga lubak na naitala sa Metro Manila nitong mga nakaraang araw, na katumbas ng siyam at kalahating Olympic-sized swimming pool.

Gayunpaman, 80 porsiyento sa mga naitalang lubak ay naisaayos na ng DPWH.


Target din ng DPWH na gumamit ng mas matibay na pundasyon para sa mga kalsada upang maiwasan ang madalas na pagkasira ng mga ito.

Ayon sa ahensiya, bagama’t mas malaking pondo ang kinakailangan para dito, ay magtatagal naman ito ng 10 hanggang 15 taon, depende sa panahon at sa pagkakagamit.

Samantala, pag-aaralan din ng DPWH kung paano maipapatupad ng mas maayos ang pagtitimbang sa mga truck, na itinuturong isa sa mga dahilan ng madalas na pagkasira ng mga kalsada.

Facebook Comments