
Nasa 34 na mga siyudad at munisipalidad ang nagdeklara ng state of calamity dahil sa patuloy na pag-aalburoto ng Bulkang Kanlaon.
Ayon sa NDRRMC, 32 lugar dito ay mula sa Negros Occidental, Canlaon City at ang Vallehermoso sa Negros Oriental.
Dahil sa deklarasyon ng state of calamity, magagamit na ng mga lokal na pamahalaan na apektado ang kanilang calamity funds.
Mahigpit din ang paalala ng ahensya hinggil sa pagpapatupad ng price freeze sa mga lugar na nasa ilalim ng State of calamity.
Facebook Comments









