Pondo para sa mga proyekto ng SK, pahirapang hilingin!

*Cauayan City, Isabela- *Inamin ni Ms. Charlene Joy Quintos, Sangguniang Kabataan (SK) Federation President ng Cauayan City na hirap silang maglabas ng pondo.

Ito ang kanyang inihayag sa ginawang eksklusibong panayam ng RMN Cauayan sa programang Straight to the Point dahil na rin umano sa hirap ng pagproseso ng kanilang mga dokumento para sa pondo at kaabalahan na rin ng mga kinauukulang ahensya.

Bukod pa rito ay nakapending pa ang mga guidelines ng SK kaya’t nanawagan ito sa mga kinauukulang ahensya na matutukan upang agarang maibigay ang kanilang nakalaang pondo.


Inihayag rin nito na sa kabila ng wala pang sapat na budget ay kinakailangan muna nilang mag solicit, humingi ng sponsorship at partnership upang mabuhay ang SK at maisagawa ang kanilang mga isinusulong na programa.

Ito ay sa kabila na rin umano ng halos walong taon na walang namahalang SK sa bawat barangay kaya’t hirap pang makapagsimula ang ilan sa mga bagong halal na kabataan ng barangay.

Nilinaw naman ni Quintos na ang mga isinasagawa at isasagawang programa’t proyekto ng mga SK Chairman ay base mismo sa pangangailangan ng kanilang nasasakupang barangay.

Facebook Comments