Mga SK Chairperson ng Cauayan City, Pupulungin para sa Special Election!

*Cauayan City, Isabela- *Nakatakdang pulungin ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga SK Chairpersons ng Lungsod ng Cauayan sa araw ng Lunes, Enero 14, 2019.

Ito ang ibinahaging impormasyon ni Ms. Charlene Quintos, SK Federation President ng Cauayan City upang mapaghandaan ang gagawing Special Election sa mga darating na araw dahil sa kakulangan ng mga SK kagawad ng nasa 40 na barangay ng Lungsod.

Aniya, base sa kanilang natanggap na guidelines ay bago mag Enero 20, 2019 ay dapat nakapag-halal na ng mga SK kagawad ang barangay na kulang o walang Brgy. Kagawad.


Kinakailangan din aniyang pulungin ang kanyang mga SK Chairpersons na magsisilbing Chairman ng Board of Election Supervisor (BES) upang mabigyan ang mga ito ng gabay sa kanilang pag-asiste sa gagawing Special Election kasama ang dalawang kukunin mula sa Katipunan ng Kabataan na hindi tatakbo sa naturang eleksyon.

Dagdag pa ni Quintos, may bago ng format ng registration mula sa barangay na babantayan ng SK Secretary habang ang mga barangay na walang SK Secretary ay aasistehan naman ng Barangay Secretary.

Samantala, Lahat anya ng mga nakarehistrong kabataan na nasa edad 15 hanggang 30 ay tatawagin para sa general assembly upang mag-nominate ng kanilang mga gustong iboto sa pamamagitan ng secret balloting.

Facebook Comments