Mga SK Officials ng Cauayan City, abala na para sa Special Election!

Cauayan City, Isabela- Abala na ngayon ang mga Sk Officials ng Lungsod ng Cauayan para sa gagawing Special Election ngayon buwan ng Enero.

Sa naging panayam ng RMN Cauayan kay Ms. Charlene Joy Quintos, SK Federation President ng Cauayan City, layunin ng kanilang isasagawang special eleksyon na mapunan ang mga barangay na kulang ang SK Kagawad dito sa lungsod ng Cauayan.

Aniya, kumpleto ang mga SK Officials na nahalal noong nakaraang eleksyon subalit hindi lamang naging aktibo dahil sa kanilang ibang trabaho habang ang iba ay hindi dumadalo sa Sangguniang Kabataan Mandatory Training ng Department of Interior and Local Government (DILG).


Ayon kay Quintos, bahagi ng mandatory training at isinasagawang orientasyon ng DILG na ipaalam ang mga tungkulin at responsibilidad ng lahat ng mga nahalal na SK Officials dahil na rin sa ilang pagbabago sa kanilang patakaran.

Samantala, magkakaroon muli ng training ang mga magwawaging opisyal sa gaganaping special election para sa mga SK Kagawad.

Facebook Comments