AMAS, Kidapawan City – Tumanggap ng livelihood assistance na nagkakahalaga ng P4.3M mula sa Dept of Labor and Employment o DOLE ang abot sa 250 small-time businessmen mula sa ibat-ibang bayan sa Cotabato. Ito ay sa ceremonial turnover ng DOLE-Integrated Livelihood and Integrated Program o DILEEP na ginanap sa Provincial Capitol Rooftop, Brgy Amas, Kidapawan City kahapon.
Ayon kay Provincial Human Resource and Management Office PESO Manager Designate Reinalin Nicolas, binubuo ng mga facilities, equipment ay iba pang non-cash assistance ang tinanggap ng mga benepisyaro na makatutulong naman sa kanilang maliliit na negosyo.
Alinsunod daw ito sa hangarin ng Serbisyong Totoo program ng Provincial Government of Cotabato na tulungan ang mga nagsisimula at mailiit pa lamang na mga negosyante na magkaroon ng capital o puhunan.
Mahigit P15,000 naman na halaga ng mga gamit pang negosyo ang tinanggap ng mga beneficiaries sa naturang turnover.
Dumalo sa aktibidad si DOLE 12 Regional Director Sisino Cano at nagbigay ng mahalagang mensahe patungkol sa mahusay na ugnayan at koordinasyon ng Provincial Government of Cotabato at ng DOLE.
Sa naturang pagkakataon, isinabay din ang turnover ng loading business at chirizo making business para sa mga naulila ng 2 Killed in Action (KIA) at 1 Wounded In Action (WIA) na mga BPAT members sa bayan ng Magpet.
Dumalo rin sa ceremonial turnover sina Provincial Administrator Van Cadungon na siyang kumatawan kay Gov Emmylou “Lala” J. Talino-Mendoza, Provincial Planning and Development Office o PPDO Coordinator Loreto cabaya, Jr. at Board Member Rolly Sacdalan. (JIMMY STA. CRUZ – PGO IDCD)
Mga Small-Time Businessmen sa North Cot nakatanggkap ng tulong sa DOLE
Facebook Comments