Mga smuggled na asukal na nakumpiska ng BOC, nakatakdang isailalim sa subasta

Naghahanda na ang Bureau of Customs (BOC) para masimulan ang auction o pagsubasta sa mga smuggled na asukal na nakumpiska sa magkakahiwalay na raid sa mga bodega kamakailan.

Ayon sa Customs, ang pagsusubasta ay bahagi ng proseso na maibenta nang mas mura sa merkado upang magkaroon ng dagdag na supply.

Sa ngayon ay hinihintay na lang ng BOC ang sagot ng Sugar Regulatory Administration (SRA) kaugnay sa floor price na gagamitin sa pag-auction.


Nilinaw naman ng BOC na hindi papayagang sumali sa auction ang mga negosyanteng sangkot sa mga nakumpiskang asukal.

Magugunitang nakumpiska ng Custom ang nasa 11,500 sako ng asukal matapos ang ikinasang raid kung saan walang naipakitang kaukulang dokumento ang mga may-ari nito.

Facebook Comments