Mga smuggled na produkto ngayong holiday season, mahigpit na pinatututukan ni PBBM

Inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang Department of Agriculture (DA) at Bureau of Customs (BOC) na mahigpit na ipatupad ang Anti-Agricultural Sabotage Act lalo na ngayong holiday season.

Ayon sa pangulo, gagawin aniya ng gobyerno ang lahat para mapababa ang presyo ng pagkain at hinding-hindi nila papayagang makapagsamantala ang mga tusong negosyante.

Giit ng pangulo, dapat maprotektahan ang interes ng publiko laban sa mataas na presyo ng bilihin kaya hahabulin ang mga sangkot sa smuggling lalo na sa mga produktong agrikultura.


Titiyakin aniya ng pamahalaan na hindi mamamayagpag ang mga baluktot na sistema laban sa smuggling.

Nasampolan na ng gobyerno ang mga smuggler matapos ipamahagi nitong Sabado ang nakumpiskang tone-toneladang tulingan galing China na ipinuslit sa bansa.

Facebook Comments