Mga smuggled na sibuyas, nasabat ng BOC sa CDO

Nagkakahalaga ng P14-M ang sibuyas na naharang ng Bureau of Customs (BOC) sa pantalan ng Cagayan de Oro.

Ayon kay District Collector Atty. Elvira Cruz, nakakarga sa limang containers ang mga puslit na pulang sibuyas.

Paliwanag ni Cruz, ang kargamento na galing sa China at naka-consign sa EMV Consumer Goods Trading ay nakarating sa Mindanao Container Terminal Sub-Port in Tagoloan, Misamis Oriental, noong November 13, 2021, at dineklarang “mantou” o mas kilala bilang Chinese steamed bun.


Sa ginawang eksaminasyon ni Customs Examiner Rodil Flancia, natuklasan na pawang sibuyas ang laman ng mga contain.

Kaugnay nito ay nagpalabas ng Warrant of Seizure and Detention laban sa nasabing shipment at ipaghaharap na rin ng kasong paglabag sa RA 10863 o Customs Modernization and Tariff Act ang mga indibidwal na nasa likod ng naturang anomalya.

Facebook Comments