Mga smuggled na sigarilyo, nasabat ng Philippine Navy

Nahuli ng mga tauhan ng Philippine Navy ang isang motorized banca na may kargang smuggled cigarettes sa baybayin ng Tibungco, Davao City.

Sa ulat ng Philippine Navy, isang tip mula sa isang concerned citizen ang nagbigay-alam sa mga operatiba ng Naval Special Operations Unit 7 tungkol sa kahina-hinalang aktibidad sa nasabing lugar.

Agad namang rumesponde ang mga operatiba, subalit pagdating nila sa lugar, wala na ang crew ng bangka at naiwan na lamang ang daan-daang kahon ng sigarilyo.


Sa nasabing operasyon, nasamsam ang 629 master cases ng smuggled cigarettes na tinatayang nagkakahalaga ng ₱11M.

Agad namang dinala ang mga kontrabando sa Bureau of Customs (BOC) para sa tamang disposisyon matapos ang masusing inspeksyon.

Facebook Comments