Mga smuggler, posibleng dumami kapag itinaas ang buwis sa sigarilyo

Nagbabala ang Japan tobacco international, Philippines na mas dadami ang mga smuggler ng iligal na sigarilyo kapag ipinatupad ang taas-buwis sa sigarilyo.

Simula noong 2012, pitong beses nang tumaas ang buwis sa sigarilyo at anumang dagdag buwis ay magpapalakas lamang sa smugglers na hindi nagbabayad ng taripa.

Sa ilalim ng panukalang dagdag buwis, aabot sa ₱60 kada kaha ang buwis ng sigarilyo ay magbibigay ito ng 60 bilyong pisong dagdag sa koleksyon ng buwis na magagamit sa universal health care program.


Ayon kay DOH Usec. ERIC Domingo, malaki ang tulong ng dagdag-buwis sa sigarilyo para mabawasan ang mga nagkakasakit at namamatay dahil sa paninigarilyo.

Umaasa rin si Finance Asec. Tony Lambino, na may pag-asa pang mailusot ito sa senado bago magsara ang 17th Congress.

Pero pangamba ni Senate President Tito Sotto III, na kulang na sa oras lalo na naka-recess ang kongreso noong nakaraang buwan dahil sa eleksyon.

 

 

Facebook Comments