Mga social media influencer, hinahabol ng BIR upang malaman kung nakakapagbayad ba ng tamang buwis

Kasunod ng paglagda ng Letter of Authority, hinahabol ngayon ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang mga social media (socmed) influencer.

Ito ay upang malaman kung sila ba ay nakakapagbayad ng tamang buwis.

Ayon kay Finance Sec. Carlos Dominguez III, nasulatan na nila ang 250 social media influencer na ang ilan ay milyun-milyon ang kita.


Batay sa inilabas na circular o kautusan ng BIR, ang mga socmed influencer ay iyong mga kumikita sa YouTube Partner Program, sponsored social at blog posts, may advertising, umaakto bilang brand ambassador, may sariling produkto na pino-promote o tumatanggap ng kita mula sa pag-aalok ng digital courses, eBooks, podcasts at webinars

Sinabi ng BIR na maituturing na business income ang kinikita sa digital media at kabilang sila sa self-employed na indibidwal.

Facebook Comments