Dapat mas paigtingin ng mga social media network ang paghihigpit laban sa mga “hyperpartisan” na vlogger o yung mga binabayaran na content creator para magpakalat ng fake news.
Ito ang binigyang-diin ni Professor Danilo Arao ng University of the Philippines (UP) College of Mass Communication kasunod ng pinakahuling Pulse Asia survey, kung saan 86% ng mga Pilipino ang naniniwalang problema sa bansa ang fake news at ang main source nito ay ang mga vlogger.
Sa panayam ng RMN Manila, sinabi ni Arao na sa ngayon ay malaki talaga ng ibinibigay na impluwensya ng mga vlogger, pero kailangan natin labanan ang mga nagpapakalat ng maling impormasyon.
Giit pa ni Arao na may malaking kakulangan ang mga social media platform hinggil sa naturang isyu.
Kasunod nito, sinabi pa ni Arao na dapat i-call out na ang mga social media network at i-expose na yung mga nagpapakalat ng fake news.