Mga social media pages na nagpapakalat ng maling impormasyon sa nararanasang sama ng panahon, pina-pa-take down sa DICT ng isang digital advocacy group

Pinapa-take down sa Department of Information and Communications Technology (DICT) ng isang digital advocate ang mga social media users na nagpakalat ng maling impormasyon kaugnay sa paghagupit ng bagyo na pinalalakas ng habagat.

Ayon kay Ronald Gustilo, campaign manager ng Digital Pinoys, binabantayan nila ngayon ang ilang mga social media pages na naghahatid ng takot sa publiko.

Kabilang sa maling impormasyon ay patungkol sa mga ilang opisyal ng mga lokal na pamahalaan na pinalilitaw na wala silang ginagawa sa gitna ng pagbaha sa kanilang mga nasasakupan.

Ani Gustilo, sa ngayon ay pinag-aaralan na nila ang susunod na hakbang laban sa natukoy nilang nagpapakalat ng maling impormasyon.

Ani Gustilo, matinding hirap na ang kinakaharap ng mga kababayan natin na binabaha kung kaya’t di na dapat dumagdag pa sa kanilang pinagdaraanan ang mga iresponsableng media post.

Facebook Comments