Natanggap ng mga solo parents at miyembro ng LGBTQIA+ community sa lungsod ng Dagupan ang kanilang payout sa ilalim ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Displaced/Disadvantaged Workers o ang programang TUPAD.
Kapalit ng apat na libong piso bawat isa ang sampung araw na community service sa kani-kanilang mga kinabibilangang komunidad.
Ito ay naging posible sa pakikipag-ugnayan ng tanggapan ng 4th district ng Pangasinan at lokal na pamahalaan ng Dagupan sa ahensyang sa Department of Labor and Employment (DOLE).
Layon ng programang mabigyan ng pansamantalang trabaho ang mga nangangailangang residente at bilang kapalit ang ay kanilang payout na pandagdag gastos ng mga ito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments