Naging benepisyaryo ng programa ng Department of Labor and Employment o DOLE ng Tulong Panghanapbuhay sa mga Disadvantaged/Displaced Workers o TUPAD ang mga solo parents na mula sa mga bayan ng Mangaldan, San Fabian at San Jacinto.
Tinanggap ng mga ito ang nasabing payout kapalit ang sampung araw na pagtatrabaho sa kani-kanilang mga komunidad o ang tinatawag na Cash for Work Community Service.
Benepisyaryo rin ng programang TUPAD ang mga Person with Disabilities o PWDS na mula sa mga nabaggit na bayan ng Ikaapat Distrito.
Patuloy naman ang pakikipag-ugnayan ng tanggapan ng ikaapat ng distrito ng Pangasinan sa katuwang na ahensya at mga lokal na pamahalaan ng bayan upang maipagpatuloy ang pag-abot ng tulong para sa mga residenteng nangangailangan sa pamamagitan ng Emergency Employment. |ifmnews
Facebook Comments