MGA SOLO PARENTS SA DAGUPAN CITY, TATANGGAP NG PARENT CASH ASSISTANCE

Inaasahang tatanggapin ng mga solo parents sa Dagupan City ang Solo Parent cash assistance para sa ikalawang bahagi ng taon.
Kabuuang 242 solo parents na mula sa mga barangay ng Gueset, Binloc, Boquig ang tatanggap ng naturang financial assistance, maging ilan pang mga solo parents na nauna nang sumailalim sa validation.
Ito ay sa pamamagitan ng Republic Act 11861 or Expanded Solo Parents Welfare Act of 2022, kung saan nakatakdang tumanggap ang mga solo parents ng buwanang pinansyal na tulong mula sa gobyerno.
Samantala, hinikayat naman ang iba pang mga solo parents sa lungsod na mag-apply o mag-pa-rehistro o irenew ang kanilang Solo Parent Identification Card (SPIC) para mapabilang sa mga benepisyaryo ng mga programang laan para sa mga ito. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments