Masinsinang tinalakay sa isinagawang Public Hearing ng Sangguniang Bayan ng Bayambang ang ukol sa mga maaaring gawin para sa pagsisiguro ng malinis at ligtas na tubig na dumadaloy sa mga tubo’t gripo ng mga kabahayan at establishments sa bayan.
Pinag-usapan ang tungkol sa ordinansang nakalakip dito at kung paano ang mga hakbang na gagawin sa pagsisiguro ng kalinisan ng mga tubig na dumadaloy sa mga water pipes.
Ayon sa naging pagtalakay, isa sa maaaring magawa para masigurong ligtas at malinis ang tubig sa mga kabahayan at mga business establishments sa bayan ay ang isasagawa ng lokal na pamahalaan na pagpapatayo ng Sewage Treatment Plant sa Barangay Dusoc kung saan ilalagak ang mga wastewaters na masisipsip sa mga septic tank ng mga kabahayan at establisyemento.
Ayon kay Municipal Health Officer, Dra. Paz Vallo, leak sa septic tank ang isa mga maaaring dahilan kung bakit raw lumala ang mga nagkakasakit ng amoebiasis at maging iba pang uri ng sakit dulot ng maruming tubig.
Nagbigay naman ng update ang BAYWAD sa kanilang ipinapagawang Water Reservoir sa Barangay Bani kung saan ito ang tutugon sa kakulangan ng water supply sa mga matataas na barangay sa bayan na siyang inirereklamo rin noong nakaraang hearing. |ifmnews
Facebook Comments