Mga solvent boys, naglipana muli sa Manila Bay

19

Manila, Philippines – Namamayagpag na naman ang mga solvent boys sa kahabaan ng Manila Bay kung saan pinagmamasdan lamang ng pulis-Maynila ang mga nagkalat na mga batang adik.

Mistulang nagpatintero ang mga pulis at mga solvent boys sa kahahabol sa mga batang adik na sumisinghot lantaran sa harapan ng mga pulis-Maynila.

Paliwanag ng mga pulis-Maynila na hindi sila magsasawang pagtabuyan ang mga batang hamog at solvent boys na patuloy na namamaygpag sa Manila Bay.

Ginagawan naman ng aksyon ng Manila Social Welfare Department ang reklamo ng mga motorista hinggil sa mga nakahambalang na mga solvent boys, pero sadyang matitigas talaga ang ulo ng mga batang hamog sa Maynila.

Facebook Comments