Ipagpapatuloy ng Anti-Red Tape Authority (ARTA) ang ginagawa nitong surprise inspections sa Local Government Units (LGU) at national government agencies.
Ayon kay ARTA Director General Jeremiah Belgica, hindi na optional ang streamlining efforts sa mga bureau, at tanggapan ngayon kung hindi kailangang pasimplehin ang mga proseso alinsunod na rin sa atas ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Nauna nang inireklamo ng ARTA sa Office of the Ombudsman ang apat na opisyal ng Register of Deeds na nagpapatupad ng cut-off schemes at iba pang ease of doing business violations.
Ipinaalala ng ARTA sa mga LGU na mayroon na lamang hanggang June 17 ang mga ito para i-automate ang kanilang transactions gamit ang electronic Business One-Stop Shops (eBOSS).
Ani Belgica, aalamin din ng ARTA kung nakapag-comply na ang national government agencies at kanilang attached agencies sa pag-streamline sa proseso ng pag-i-isyu ng secondary licenses gamit ang Central Business Portal.