
Pinabulaanan ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Romando Artes ang mga umuugong na spekulasyon kaugnay ng pagkakatalaga kay dating PNP Chief Nicolas Torre III bilang general manager ng ahensya.
Ayon kay Artes, wala siyang narinig na anumang isyu o alegasyon kaugnay ng naturang appointment, maliban sa opisyal na pagtatalaga kay General Torre bilang MMDA general manager.
Dagdag pa ni Artes, ang tanging direktiba na natanggap niya ay tulungan ang bagong opisyal at ibigay ang lahat ng kinakailangang assistance upang maayos na magampanan ang tungkulin nito.
Samantala, sinabi naman ni General Torre na para sa kaniya, walang umiiral na mga conspiracy theory, at iginiit na ang public service ay public service, anuman ang posisyon.
Sa kaniyang pag-upo bilang bagong MMDA general manager, tutukan ni Torre ang mga pangunahing hamon ng ahensya, kabilang ang traffic management, problema sa baha, at solid waste management.










