Mga Spokesperson ng NPA at Phil Army may mga alegasyon sa pagpatay Kay Brgy. Capt. Achas

Mga Spokesperson ng NPA at Phil Army may mga alegasyon sa pagpatay Kay Brgy. Capt. Achas. Matapos binaril at namatay si Brgy. Captain Felipe Achas, 49 taong gulang ng Brgy. Mapawa, Surigao City, iba’t ibang spekulasyon at isyu ang lumabas. Ayon kay Ka Oto, ang spokesman ng New People’s Army malaki ang kanilang paniniwala na ang 30IB Phil Army ang may kagagawan lalo na’t aktibo si Achas sa kapakanan ng mga magsasaka. Diumano’y noon pa may banta na ito sa buhay, dagdag pa walang katotohanan ang isyung sila ang gumawa sa krimen. Samantala, binigyangdiin ni 2nd Lt. Jonel Castillo, ang Spokesman ng 30IB Phil Army, hindi totoo ang alegasyon ng NPA, hindi kagagawan ng militar ang pagpatay lalo pa ng isang barangay official. Tinukoy nito, malaki ang paniniwala nila na ang pagpatay kay Achas at ang nangyaring panununog sa heavy equipments noong nakaraang linggo sa Brgy. Mapawa ang konektado.

Facebook Comments