Mga stadium at coliseum, planong gawing COVID-19 vaccination sites

23

Plano ng pamahalaan na gawing mega COVID-19 vaccinations sites ang mga stadium at coliseum.

Ayon kay Vaccine Czar at National Task Force Against COVID-19 Chief Implementer Carlito Galvez Jr., layunin nitong maabot ang target na 4-million na Pilipino na mabakunahan kada buwan.


Aniya, ganito ang ginagawa sa Amerika na maaari nating gayahin dito sa Pilipinas.

Paliwanag ni Galvez, tatlong klaseng vaccination facilities ang plano nilang gawin.

Kabilang na rito ang isang mega vaccination site na kayang magkabuna ng 10,000 indibidwal kada araw; medium-sized sites na kayang magbakuna ng 5,000-6,000 kada araw; at mobile and rural vaccination sites para sa mga malalayong lugar.

Sa ngayon, sinabi ni Galvez na mangangailangan ang bansa ng nasa 55,000 vaccinator na ipapakalat sa mga mega vaccination site.



Facebook Comments