Mga staff at security personnel ng isang pribadong ospital, kinasuhan dahil sa palit-ulo scheme sa Valenzuela City

Nahaharap sa patong-patong na kaso ang ilang mga tauhan at security personmel ng isang pribadong ospital sa Valenzuela matapos ireklamo ng mga kamag-anak ng mga nasawing pasyente.

Personal na sinamahan ni Mayor Wes Gatchalian, kasama ang libreng serbisyo ng legal team ng LAMP-SINAG at City Police Chief Col. Salvador Destura Jr. ang mga biktima ng maghain ng magkahiwalay na kaso makaraan umano silang pigilang makalabas ng Ace Medical Center sa Barangay Malanday.

Ito’y hangga’t walang papalit sa kanila para humanap ng pambayad sa kani-kanilang bill matapos masawi ang kaanak.


Ayon kay Mayor Wes, inabot ng higit ₱500,000 at ₱700,000 ang bill ng mga nagrereklamo pero pinigilan silang makalabas at binawalan ding bumili ng pagkain hangga’t wala kapalit kaya’t tila palit-ulo scheme ang nangyayari.

Hindi rin umano ibinigay ang mga death certificate hangga’t hindi nababayaran ang halaga kung saan nakalabas lamang sila ng nasabing hospital sa pagdaan sa gate sa likurang bahagi habang ang isa ay pinayagan matapos makahanap ng kapalit.

Kapwa nagpasyang humingi ng tulong sa alkalde ang mga biktima tsaka sinamahan magsampa ng kasong serious illegal detention at alight illegal detention ang mga staff ng credit and collection at security guards ng nasabing hospital.

 

Facebook Comments