Mga stakeholder, pupulungin mamayang hapon ng DA kaugnay sa presyo ng baboy

Muling pupulungin ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., ang mga pork stakeholder.

Ito ay dahil sa nananatiling mataas ang presyo ng baboy sa maraming mga palengke sa Metro Manila.

Kahit na mayroong maximum suggested retail price o MSRP sa baboy na 350 pesos kada kilo para sa kasim at pigue habang 380 pesos kada kilo naman sa liempo.


Ayon kay Sec. Laurel, nasa 30 percent na ang compliance sa MSRP ng karne ng baboy pero gusto nilang mas dumami pa ang sumusunod dito.

Mamamayang hapon ay gusto ng Kalihim na malaman mula sa stakeholders kung saan nagkakaproblema.

Pero, hindi aniya pwedeng hindi sumunod ang mga stakeholders upang bumaba ang presyo sa palengke.

Paliwanag pa ng Kalihim na ang farmgate price aniya ngayon ng baboy ay nasa 250 pesos pero ang usapan ay dapat 230 ang kada kilo.

Naniniwala si Sec. Laurel na lahat ng layer hanggang sa retailers ay mayroon nang kita kung masusunod ang usapan.

Umaasa ang Kalihim na hindi na hahantong sa pagpapataw ng parusa sa mga hindi nakasusunog sa MSRP sa baboy.

Posibleng hilingin na rin nila ang panghihimasok ng quinta committee upang imbestigahan ang mataas na presyo ng baboy sa mga palengke.

Facebook Comments