MGA STALL VENDORS SA BONUAN TONDALIGAN, INAASAHAN ANG MAS MALAKING BENTAHAN SA PASKO AT BAGONG TAON

Sa kabila ng matumal na bentahan sa mga stalls sa Bonuan Tondaligan Beach, inaasahan ng mga stall vendors na tataas ang kanilang kita ngayong holiday season.

Ayon sa ilang stall vendors, nararanasan nila ang kaunting customer nitong mga nakaraang araw, partikular na noong bisperas ng Pasko, dahil karamihan ng mga tao ay mas piniling manatili sa kanilang mga tahanan.

Subalit, ayon sa kanila, karaniwang tumataas ang bilang ng mga bumibisita sa Bonuan Tondaligan kapag natapos na ang operasyon ng food strip at Baratilyo sa downtown area, kung saan diretso ang daloy ng mga tao patungo sa kanilang mga stalls.

Inaasahan ng mga vendors na magpapatuloy ang pagdagsa ng mga tao sa darating na selebrasyon ng Bagong Taon, kung saan marami ang nagsiuwian mula sa mga probinsya at magbabalik sa mga paborito nilang destinasyon tulad ng Bonuan Tondaligan Beach.

Samantala, hindi pa rin puno ng tao ang Tondaligan Beach nitong ika-24 ng Disyembre, subalit nakaantabay ang mga lifeguards at iba pang mga staff upang masiguro ang kaligtasan ng mga banyaga at lokal na dumadayo sa lugar. Ang mga stall vendors sa Bonuan Tondaligan ay umaasa na sa mga susunod na araw ng holiday season, madagdagan ang kanilang benta at magiging mas magaan ang kanilang kita para sa taon ng 2025. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments