Pinaaalalayan ni Ang Probinsyano Partylist Rep. Ronnie Ong sa Philippine Ports Authority o PPA at Maritime Industry Authority o MARINA ang mga stranded na pasahero dahil sa bagyong Ursula.
Ayon kay Ong, malungkot na Pasko ito para sa mga stranded na pasahero sa pantalan na gustong umuwi ngayong holiday para makasama ang pamilya.
Sa kabila ng sitwasyon ng mga mananakay sa mga pier, kailangang iparamdam sa mga ito ang diwa ng kapaskuhan.
Bagama’t wala naman aniyang may gusto ng pagkansela ng byahe dahil sa sama ng panahaon, dapat pa ring akuin ng gobyerno ang pagkalinga sa mga stranded na pasahero.
Iminungkahi ng mambabatas na mabigyan ng pagkain at inumin ang mga stranded passengers dahil karamihan sa mga ito ay sapat lamang ang budget.
Dagdag pa ng kongresista, sa panahong ito dapat maramdaman ng mga pasahero ang pagkalinga ng gobyerno.