Pumalo na sa halos 10,000 indibidwal ang stranded ngayon sa mga pantalan dahil sa Bagyong Egay.
Sa pinakahuling datos ng Philippine Coast Guard (PCG), umaabot na sa 9,682 na pasahero, truck drivers at cargo helpers ang stranded sa mga pantalan.
Habang 55 vessels, 1,834 rolling cargoes at 27 motorbancas ang stranded na sasakyang pandagat sa buong bansa.
Nasa 102 vessels at 61 motorbancas din ang kasalukuyang nakadaong sa mga pantalan sa Bicol, Eastern Visayas, Southern Tagalog at NCR-Central Luzon.
Kaugnay nito, pinag-aaralan ng PCG ang pamamahagi ng tubig at pagkain sa mga indibidwal na na-stranded sa mga pantalan.
Facebook Comments