Mga stranded na Pinoy students at tourists sa Malaysia, na-repatriate na rin ng DFA

Napauwi na rin ng pamahalaan ang mga Pilipinong estudyante at turista sa Malaysia.

Sila ay kabilang sa 351 na mga stranded Pinoy sa Malaysia na iniuwi ng Department of Foreign Affairs (DFA).

Ilan sa kanila ay mula sa Sabah at Sarawak sa Malaysia.


Ito na ang ikatlong mass repatriation ng pamahalaan sa mga stranded na Pinoy sa Malaysia matapos maipit sa mga lockdown at flight restrictions dahil sa COVID-19 pandemic.

Ang gastusin sa nasabing chartered flight ay sinagot ng Philippine Government.

Facebook Comments