Mga stranded sa mga pantalan dahil sa Bagyong Nika, bahagyang nabawasan —PCG

Bahagyang nabawasan ang bilang ng mga indibidwal na stranded sa mga pantalan dahil sa masamang panahon na dala ng Bagyong Nika.

Sa ulat ng Philippine Coast Guard (PCG), mula sa 196 na pasahero kaninang umaga ay nasa 179 ngayon ang bilang ng mga pasahero, truck driver, at mga pahinante na apektado at hindi muna maka-biyahe.

Ang mga nabawas ay posibleng umuwi muna ng kanilang bahay habang hindi pa maganda ang lagay ng panahon.


Umakyat naman sa 32 na rolling cargos, 9 na vessel, at apat na motorbanca ang stranded ngayon.

Habang 13 barko at 24 na motorbanca ang pansamantalang nakikidaong muna dahil sa severe tropical storm.

Partikular na apektado ang mga pantalan sa Real Port, Port of San Andres, Port of Atimonan, Calapan Port, Valaredo Bay, Muelle Port, Romblon Port, Potchoy Port, San Agustin Port, CGSS Isla Verde, Tingloy Port, Wawa Port, at Balanacan Port sa Southern Tagalog, at Pasacao Port naman sa Bicol region.

Facebook Comments