Dumami ang bilang ng mga stranded sa mga pantalan sa Luzon.
Ito ay kahit nakalabas na ng bansa ang Bagyong Enteng kahapon.
Ayon sa Philippine Coast Guard, nasa 75 na pasahero, truck drivers at cargo helpers ang stranded ngayon sa Southern Tagalog at Northwestern Luzon dahil sa masamang panahon.
Partikular na apektado ngayon sa Timog Katagalugan ang Port of San Andres, Tilik Port, Looc Port, Balayan, at Balanacan Port.
Apektado rin ng masamang panahon ang mga pasahero at sasakyang pandagat sa Aringay Port at Sual Port sa Hilagang Kanluran ng Luzon.
Facebook Comments