Mga street dwellers at iba pang indibidwal na hindi nakauwi sa lalawigan, binigyan ng temporary shelter ng QC Government

Pinagagamit pansamantala ng QC Local Government ang ilang pasilidad nito sa Quezon Memorial Circle para sa may 38 street dwellers at ilang indibidwal na hindi nakauwi sa kanilang lalawigan.

Ito’y sa kabila ng umiiral ang Enhanced Community Quarantine Coronavirus Disease o COVID-19.

Ayon sa LGU, pansamantala munang ginawang Holding Area para sa mga palaboy ang Temporary Quarantine Area sa Circle at mananatili sila hanggang matapos ang Quarantine period.


Plano na ng Local Government na bigyan na rin sila ng Livelihood Assistance depende sa kanilang sitwasyon at pamasahe naman sa iba na uuwi sa lalawigan pagkatapos ng Quarantine period.

Ayon kay Carol Patalinghog, Chief ng Welfare and Relief Division ng City Social Services and Development Department, lahat ng pangangailangan ng mga street dwellers ay ipinagkakaloob mula sa pagkain, malinis na palikuran, partition tents, higaan at mobile shower.

Regular na ring imomonitor ng QC Health Department ang kanilang temperature at kasamang binabantayan ng pulisya para sa kanilang kapakanan at kaligtasan.

Facebook Comments