Mga street dwellers, pinagdadampot ng Manila Social Welfare Development

Manila, Philippines – Positibo ang pananaw ng Manila Social Welfare Development na mababawasan na ang mga street dwellers sa lungsod, ito ay matapos na ikasa nila ang massive reach out operation na nagresulta ng pagkasagit ng mahigit limampung street dwellers sa Manila.

Ayon kay Lindsay Javier ng MSWD, alas-sais kaninang umaga nang mag-umpisa ang kanilang operasyon kung saan umikot sa Roxas Blvd., Quirino Avenue, Taft Avenue, Vito Cruz , Paco Park at pabalik ng Reception Action Center ng MSWD sa Aroceros.

Paliwanag ni Javier ng MSWD, bagaman regular na sinasagip ang street dwellers, patuloy sila bumabalik sa kalsada dahil ito na ang nakasanayan nilang tahanan.


Bukod pa sa mga taga-Manila may mga street dwellers rin na nanggaling pa sa Batangas, Leyte at Tarlac.

Dagdag pa ni Javier, karamihan sa mga ito ay dumadayo umano sa Manila para makahanap ng matinong trabaho.

Napag-alaman na ang mga taga-Manila na street dwellers at dadalhin sa boys town.

Habang ang iba naman ay itinurn over sa Jose Fabella para maibalik sa kani-kanilang probinsya.

Facebook Comments