Kinumperma ni Taguig City Mayor Lino Cayetano na nakatakdang ipamahagi na ang tulong pinansyal para sa mga ambulant vendor, mangingisda at mga magsasaka na residente ng kanyang lungsod.
Ayon kay Mayor Cayetano, meron 1,000 na mga fish vendors at mga magsasaka sa Lungsod ng Taguig na makakatanggap ng ₱4,000.
Ganoon din, anya, ang 1,800 na mga street vendors ay mabibigyan din ng ayudang pinansyal na ₱4,000.
Aniya, ang mga street at fish vendor at mga magsasaka ay ilan lang sa mga sektor ng kanyang lungsod ang lubhang naapektuhan sa umiiral na Enhanced Community Quarantine (ECQ) dahil na hinto ang kanilang paghahanap buhay.
Samantala, ang Taguig City ay meron ng 169 na bilang ng kaso ng Coronavirus Disease 2019 o COVID-19, kung saan 11 isa ang nasawi at mayroon namang 126 na mga individual na kasama sa suspected cases.