Mga subdivisions at villages, papayagang magsagawa ng sariling COVID-19 vaccination ayon sa isang kongresista

Hinimok ni Quezon City Representative Precious Hipolito-Castelo ang Inter-Agency Task Force (IATF) na payagan ang mga subdivisions o villages na magsagawa ng sariling COVID-19 vaccination sa mga residente.

Tinukoy ni Hipolito-Castelo na dumarami na ang nagnanais na magpabakuna ngunit problema naman ang congestion o pagsisikip ng mga vaccination centers dahilan kaya hindi itinutuloy ng iba ang pagpapabakuna sa takot na doon pa mahawa ng COVID-19.

“We are happy that many citizens are willing to get vaccinated despite some unresolved post-vaccination issues, but this problem of congestion is turning them away. They fear they might get the virus in the centers,” sabi ni Hipolito-Castelo.


“This will ease congestion in most vaccination centers in Quezon City and other parts of Metro Manila,” dagdag pa ng mambabatas.

Giit ng lady solon, kung papayagan ang mga subdivisions o villages na magsagawa ng kanilang vaccination ay luluwag ang mga inoculation centers lalo na sa Quezon City at ibang lungsod sa Metro Manila.

“With approval and vaccine supply from the IATF, Castelo said homeowners’ associations would just be willing to undertake their own inoculation projects for their residents,” ani Hipolito-Castelo.

Sinabi ng kongresista na kung aprubahan ng IATF at mabigyan ng supply ng bakuna ang mga subdivision o village ay willing o handa ang mga homeowners’ association na maglunsad ng inoculation sa kanilang mga residente.

Tinukoy pa ni Hipolito-Castelo na makatutulong din ito para mapabilis ang vaccination program ng pamahalaan.

“At present, the program is moving at a snail’s pace. Even if there is sufficient vaccine supply, the government would not be able to attain its goal of inoculating at least 70 million Filipinos and achieving herd immunity this year,” pahayag ni Hipolito-Castelo.

Sa kasalukuyan ay usad-pagong ang vaccination program ng gobyerno at dahil dito ay posibleng malabong makamit ang herd immunity ngayong taon.

Facebook Comments