Pinangunahan mismo ni DTI Secretary Ramon Lopez ang biglaang inspeksyon ng mga hardware stores sa Valenzuela.
Ayon kay Loez, bahagi ito ng pambasang inspection ng mga tindahan sa bansa.
Unang ininspeksyon ang isang hardware store Brgy. Gen. T de Leon at nadiskubre na below standard ang mga metal bars at iba pang kagamitang binebenta sa pagpapatayo ng bahay.
Wala namang nakitang Import Commodity Clearance o ICC mark ang mga imported na produkto ng isang tindahan.
Wala ring Philippine standard o PS mark sa mga PVC pipes na ibinebenta dito.
Kaugnay nyan ay nagbabala si Sec. Lopez sa mga hardwarestore owners na kukumpiskahit nila ang mga productong substandard at walang standard certification.
Binigyan muna ng Notice of Violation ang mga nasabing tindahan ngunit kalaunay mag iisue ang ahensya ng penalty. Magiging mababa ang penalty sa mga owner ng hardware store kung ibibigay nila ang impormasyon o detalye ng supplier ng mga substandard na produkto.
Layunin aniya ng nationwide inspection na malaman ng publiko ang maigting na kampanya kontra sa substandard ng mga produkto sa bansa na aniya talamak na ibinebenta sa labas ng Metro Manila.