Mga sugatang dolphin, napadpad sa mga baybayin sa lalawigan ng Capiz

Roxas City – Ilan sa mga sugatang dolphin ang napadpad sa iba’t-ibang baybayin sa lalawigan ng Capiz.

Noong nakaraang araw ng Linggo napadpad sa baybayin ng Barangay Dulangan, Pilar, Capiz ang isang sugatang dolphin na may dalawang metrong haba at bigat na 150 kilo.

Ibinalik din ito sa dagat matapos malapatan ng lunas.


Isa pang dolphin ang napadpad din sa Sitio Culasi, Barangay Lonoy sa bayan ng Sapian kung saan nananatili pa rin ito sa kustodiya ng lokal na pamahalaan ng nasabing bayan.

Nakatakda itong dalhin sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources upang mabigyan ng lunas ang sugat nito sa katawan.

Ayon sa BFAR may ilang dolphin din ang nakita sa iba pang lugar sa lalawigan at inaalam pa sa ngayon mga otoridad ang sanhi ng pagkapadpad ng mga ito sa baybayin.
DZXL558

Facebook Comments