Manila, Philippines – Bibisitahin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga miyembro ng Presidential Security Group na nasugatan matapos ang engkwentro sa mga New People’s Army kahapon.
Matatandaan na 5 ang sugatang miyembro ng PSG matapos makipagbarilan sa ilang miyembro ng NPA na nagtayo ng check point at nagpanggap na mga sundalo.
Ayon kay PSG Commander Brigadier General Lope Dagoy, aalamin ng Pangulo ang karanasan ng mga nasugatang miyembro ng PSG na ngayon ay nasa Davao City na matapos ilipat mula sa Cagayan de Oro City.
Nasa maayos na aniyang kalagayan ang mga ito, kuwento pa ni Dagoy, habang nasa bakbakan ay kausap ng ilang PSG ang kanilang mga opisyal at ipinaalala ang bilin ng Pangulo na huwag hayaang makuha sila ng mga rebelde at magtira ng isang bala sa kanilang sarili.
Hindi naman nabanggit ni Dagoy kung bibigyan ng Medalya ni Pangulong Duterte ang mga nasugatang miyembro ng PSG.
Mga sugatang miyembro ng PSG na nakipagbakbakan sa NPA, dadalawin ng pangulo
Facebook Comments