Mga sugatang pulis at nasawing sundalo sa nangyaring engkwentro sa Tawi-Tawi, personal na binisita ni PNP Chief Marbil at SILG Abalos

Binigyang parangal ni Philippine National Police (PNP) PGen. Rommel Marbil at Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Benhur Abalos Jr., ang mga pulis ng Special Action Forces na nasagutan matapos ang engkwentro sa Abu Sayyaf noong Martes.

Personal na nagtungo sina PNP Chief Marbil at SILG Abalos sa Tawi-Tawi para parangalan ang mga ito.

Kabilang sa mga binigyang pagkilala ay ang sugatang sundalo na si Patrolman Ian Valdez na kinalaunan ay nasawi.


Habang ang mga sugatang pulis naman na sina Police Master Sergeant Mohammad Lee Aharul at Police Master Sergeant Alberto Olbis ay ginawaran ng Medalya ng Katapangan at Medalya ng Sugatang Magiting.

Nagpadala rin ng financial support ang PNP at DILG sa mga sugatan at nasawing pulis at nagpaabot din ng pakikiramay.

Ayon kay Abalos, kahanga-hanga ang katapangan na ipinakita ng tatlo na nagsakripisyo para sa kanilang trabaho.

Sinabi naman ni Marbil na dapat tularan ng PNP ang ginawa ng tatlo na sa kabila ng peligro ay naging tapat sa pagpatupad ng kanilang tungkulin.

Facebook Comments